Mahigit isang linggo palang ako dito sa bago kong work.
Andami ko pang kelangang intindihin at pag aralan.
Pero sa ngayon kaya ko binuksan ang admin ng blog ko, dahil wala na lang talaga ako mapagbuntunan ng sama ng loob, ewan ko kung matatawag na sama ng loob ito o takot lang.
Hindi ako sanay talagang mahomesick, ni hindi ko nga alam dati kung ano ang bagay na to e. basta alam ko lang may word na homesick yun lang, pero sa nangyayari sa akin ngayon mukhang ito na yung sinasabing homesick, ang hirap kasi yung tipong may matanggap kang text galing sa family mo about sa mga latest nila, nakanang oo bat sobrang lungkot ang nararamdaman ko? grabe, i miss my family na! di ko ineexpect na ganito kahirap pala, nung nasa pinas kasi ako, parang wala lang.
Punyeta na yan oo, every morning akala mo may heart burn ako lagi, kasi laging kabado ako, di ko alam kung kumusta na pamilya ko, o may nagawa ba akong mali, o kaya mamaya makatanggap na lang ako ng text na di ko gusto.
Hay kung pwede lang bumalik agad e ginawa ko na kahapon pa!
Kaso ganito talaga kelangan mag tiis!
Lahat kahit ano kelangan tiisin.





